3,275 tablets ipamimigay sa mga mag-aaral sa Senior High sa Imus

Ipapamahagi ng lokal na pamahalaan ng Imus sa mga struggling learners at mag-aaral sa senior high ang 3,275 tablets para sa distance learning ngayong taon.

Ipapamahagi ng lokal na pamahalaan ng Imus sa mga struggling learners at mag-aaral sa senior high ang 3,275 tablets para sa distance learning ngayong taon. 

Bukod pa rito, ipamimigay din ang iba pang mga educational paraphernalia katulad ng mouse, headset, tablet keyboard at SD card sa mga mag-aaral. 

Sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Maliksi katuwang ang Imus City Schools Division Office, sisimulan ang pamimigay ng tablet sa Mayo 20 sa mga paaralan ng Juan Castañeda at Pantaleon Garcia Senior High School, at sa Gov. Juanito Remulla at Gen. Flaviano Yengko Senior High School naman sa Mayo 21.

“Kasama ang buong Pamahalaang Lungsod ng Imus, mananatili kaming kaagapay ng ating mga estudyante at guro sa maayos na pagpapatuloy ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya,” ani ni Maliksi sa Facebook post

Total
29
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts