Pababakuna sa general population, mga kabataan sisimulan na

Matapos ang paghihintay ng ilang natitirang indibidwal na mabakunahan ng COVID-19 vaccine, pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna para sa general population at mga kabataan sa bansa.

Magsisimula nang magbakuna laban sa COVID-19 ang pamahalaan sa ilang mga menor de edad at kabuuan ng adult population sa buwan ng Oktubre, ayon sa Malacañang noong Martes, Setyembre, 28.

Ito’y matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Matatandaang noong nakaraang linggo lamang ay inirekomenda ni Galvez ang pagpapalawak ng pagbabakuna na isama ang 12 milyong indibidwal na may edad 12 hanggang 17 at ang general population ng bansa.

“The vaccination of our young people is also about to start but we encourage the master listing of the parents of these young people so we can have a list by the time we start. We also expect it to start in the month of October,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang public briefing.

Dagdag pa ng kalihim, inaasahang maraming suplay ng bakuna ang darating sa bansa sa mga susunod na araw.

Samantala, nilinaw ni Roque na nanatili pa rin sa prayoridad pagdating sa pagpapabakuna ang mga nasa category list na A1 o mga healthcare workers, A2 o ang mga senior citizen, at ang A3 o persons with comorbidities.

Ayon naman sa pinakahuling datos na inilabas ni Roque sa publiko, tinatayang nasa 20.58 milyon o 26.68 porsyento na ng populasyon na ang nakakuha na ng kumpletong dose ng bakuna kontra COVID-19 mula sa kabuuang 44.36 milyong dose na naiturok na.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.