Hinangaan online ang apat na masisigasig na senior citizens sa bayan ng Mendez-Nuñez matapos makapagtapos sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd).
Photo courtesy by Local Government Unit of Mendez-Nuñez
Kasama nila ang 77 pang mag-aaral sa munisipalidad.
Isinagawa ang Seremonya ng Pag-angat at Araw ng Pagtatapos ng mga mag-aaral saGabaldon, Mendez Central School noong Abril 26.
Naging guest speaker si Punong Bayan Atty. Fredderick A. Vida kung saan ipinaabotniya ang pagbati sa lahat ng 81 nagsipagtapos.
Ipinahayag din ng alkalde ang paghanga sa mga nagsipagtapos dahil sa kanilangpagpupursigi sa pag-aaral sa kabila ng iba’t-ibang balakid na kanilang kinakaharap sabuhay.
Ang ALS ay isang programa kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga out-of-school youths and adults na maturuan ng basic education nang libre na katumbas ng pag-aaral sa normal na sistema sa paaralan.