500 pamilya apektado ng sunog sa Bacoor

Daan-daang kabahayan ang natupok sa sunog sa isang residential area ng Barangay Panapaan III, Bacoor.

BACOOR CITY­­­, Cavite – Daan-daang kabahayan ang natupok sa sunog sa isang residential area ng Barangay Panapaan III, Bacoor.

Nasa humigit kumulang 100 kabahayan at 500 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Sitio Tibag noong Martes.

Tinupok ng sunog ang mga kabahayan sa isang residential area sa Barangay III, Panapaan, Bacoor.  Photo via Pablo Fits

Ayon kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, nasa tatlong residente naman ang nakapagtamo ng minor injury at agad aniyang natulungan ang mga ito ng emergency medical services team.

Nagsimulang sumiklab ang apoy pasado ala-una ng Martes at umabot ito ng dakong alas-4 na ng hapon bago ito tuluyang naapula.

Ayon pa kay Revilla, nagtulong-tulong ang tatlong trak ng bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng naturang lungsod, habang 15 trak naman ang mula sa mga karatig lungsod at munisipalidad, at 39 trak ng bumbero ang nagboluntaryo upang maapula ang sunog.

Samantala, dinala na ng pamahalaang lungsod ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Gov P.F. Espiritu Elementary School.

Ayon naman sa mga residente, pangatlo na ang ganitong insidente ngayong taon at pang-siyam na nang magsimula ang pandemya.

Total
4
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts