7 Suspek huli sa sinalaka na Drug den sa Bacoor, Cavite

Sinalakay ng mga awtoridad mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite Provincial Office at PDEA Laguna Provincial Office, katuwang ang Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at PNP Maritime Group, ang isang hinihinalang drug den sa Barangay Niog, Bacoor City, Cavite noong Martes, Nobyembre 19, 2024.

Sa isinagawang operasyon, naaresto ang pitong suspek na kinilala bilang sina alyas Malong, 63, Rafael, 56; Raf, 32; Jessica, 38; Rodolfo, 51; Benjie, 28; at Ricky, 28. Hindi na nagawang makatakas ng mga suspek nang paligiran sila ng mga operatiba.

Nakumpiska sa lugar ang 7.6 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱49,300, kasama ang buy-bust money at iba pang drug paraphernalia.

Dinala ang mga suspek sa PDEA Regional Office IV-A Jail Facility sa Santa Rosa City, Laguna, at sasampahan sila ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Total
0
Shares
Related Posts