80 pamilya apektado ng sunog sa Bacoor

Naapektuhan ang ilang magkakadikit na bahay sa naganap na sunog na tumagal ng dalawang oras sa isang residential area sa Bacoor, Cavite.

Umabot sa 80 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa isang residential area sa Bacoor, Cavite noong Lunes.

Ayon sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), nasunog ang ilang kabahayan sa Pogi Street, Barangay Niog I.

Nagsimulang sumiklab ang apoy dakong alas-5:31 ng hapon at umabot ito hanggang sa ikatlong-alarma.

Tumagal ng dalawang oras ang sunog bago ito tuluyang naapula dakong alas-7:30 ng gabi.

Sunog na naganap sa Brgy. Niog, Bacoor, Cavite. Mga larawan mula sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO).

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, natukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy sa bahay na nagngangalang Lydia Sanchez kung saan ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi nito.

Batay pa sa report, walang naiulat na nasaktan at dinala naman ang mga nasunugan sa isang paaralan malapit sa nasabing lugar.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PNP, POGO operators, DOLE, Cavite LGUs sign MOU to protect POGO workers

The Philippine National Police (PNP), the Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine offshore gaming operators (POGO) companies, and local government units of Bacoor City, Kawit and Carmona have joined forces to strengthen law enforcement operations and address incidents involving these gambling firms in the province.