Resto-bar sa Cavite sinalakay ng mga operatiba

Ni-raid ng mga operatiba ng Silang-MPS ang isang resto-bar sa San Vicente II, Silang, Cavite dahil ito raw ay nag-o-operate ng prostitusyon sa lugar.

Nagsagawa ang Silang-MPS ng operasyon sa isang resto-bar sa San Vicente II, Silang, Cavite na umano’y nag-o-operate ng rostitusyon. Sa naturang raid, 23 na indibidwal, kabilang ang mga waiter, floor manager, at 18 na kababaihan ang nadampot.

Ayon kay PSSG Valerio Prias -WCPD Investigator, nakatanggap sila ng impormasyon mula kay PLTCOL Louie Gonzaga, hepe ng pulisya, tungkol sa mga ilegal na gawain sanasabing establisyemento, partikular ang prostitusyon. Ito ang dahilan kaya’t nag-organisa sila ng operasyon.

Dinala ang mga naaresto sa presinto na nahaharap ngayon sa reklamong human trafficking.

Napag-alamang dati nang ipinasara ang gusali at tinaggalanito ng lisensiya ngunit patuloy pa rin ang operasyon ng nasabing restobar.

“Ang paalam po kasi nila ay resto, kainan. Taposnadiskubre na gayan pala, mayroon silang inside job,” saad ni Evelyn Kubol, isang social worker ng barangay.

Total
0
Shares
Related Posts