PhilSys registration site binuksan sa SM Bacoor

Pormal nang binuksan ng Philippine Identification System ang PhilSys Registration site ng Step 2 National ID system sa SM Bacoor nitong Martes.

Pormal nang binuksan ng Philippine Identification System ang PhilSys Registration site ng Step 2 National ID system sa SM Bacoor nitong Martes. 

Photo courtesy by SM City Bacoor Facebook Page

Kasama ang Philippine Statistics Authority maging ang lokal na pamahalaan ng lungsod, inilunsad ang nasabing registration site sa ikalawang palapag ng SM City Bacoor. 

Sa pagbubukas ng registration site na ito, layon ng lokal na pamahalaan na bigyan ang kanilang mga residente ng mas madaling access sa mga government offices.

Magsisimula silang tumanggap ng walk-in registration sa Hunyo 17. Bukas naman ang naturang site mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi mula Lunes hanggang Linggo. 

Photo courtesy by SM City Bacoor Facebook Page

Kailangan lang ng mga residenteng ipakita ang appointment slip mula sa Step 1 at siguraduhing sumunod sa itinakdang araw at oras na nakalagay sa schedule. Dapat din nilang dalahin ang mga dokumentong kakailanganin sa pagpaparehistro. 

Tignan ang buong listahan ng mga dokumentong tatanggapin

Strikto ring ipatutupad ang COVID-19 protocols sa site kaya’t pinaaalalahanan ang lahat na magdala ng sariling ballpen at huwag kalilimutang magsuot ng facemask at face shield. 

Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tawagan ang hotline 1388 o magpadala ng mensahe sa mga sumusunod:

Facebook: https://www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial/

Website: www.philsys.gov.ph

Email: info@philsys.gov.ph

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Alfonso LGU to start social housing project

The local government of Alfonso has signed a partnership agreement with the Social Housing Finance Corporation (SHFC) for its community mortgage program to assist its citizens to purchase and develop a tract of land under the concept of community ownership.
Read More

Eala, pasok sa semis matapos ang upset win kontra Swiatek

Gumawa ng kasaysayan ang 19-anyos na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek at umabot sa semifinals ng isang prestihiyosong WTA tournament. Ang panalong ito ay bahagi ng kanyang kahanga-hangang kampanya kung saan pinatumba rin niya ang iba pang mga bigating manlalaro. Susunod niyang haharapin si Jessica Pegula para sa pagkakataong makapasok sa finals.