Travel ban ipinatupad ng Pilipinas sa 7 bansa sa Europa

Dumami ang mga bansang pinatawan ng Pilipinas ng travel ban bunsod ng kasalukuyang banta ng mas posibleng nakahahawang COVID-19 Omicron variant.

Ipinataw ng Pilipinas ang travel ban mula sa 7 bansa sa Europa hanggang Disyembre 15 upang makaiwas sa posibleng mas nakahahawang bagong coronavirus Omicron variant, ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Kasama sa listahan ang mga bansang Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy.

Matatandaang nauna nang ipinatupad ang travel ban sa mga biyaherong mula sa mga bansang South Africa, Bostwana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

Nasa 14 na bansa na ang inilabas na Interagency Task Force (IATF) na nakakategorya sa ‘red list’ simula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 1. Photo via Presidential Communications Operations Office (PCOO).

“Inbound international travel of all persons, regardless of vaccination status, coming from or who have been to red list countries or jurisdictions or territories within the last 14 days prior to arrival to any port of the Philippines shall not be allowed,” sambit ni Nograles.

Tanging mga Pilipino lamang ang pinahihintulutang pumasok sa bansa na mula sa mga bansang nasa red list ngunit kinakailangan nilang sumailalim sa facility-based quarantine ng 14 na araw. 

Dagdag pa ng tagapagsalita, ang mga biyaherong nakarating na ng bansa bago pa man ang Nobyembre 28 ay kailangan ring sumailalim sa quarantine base sa klasipikasyon ng pinagmulan nilang bansa at ng kanilang testing at quarantine protocols.

Thumbnail photo by Daniel Frese from Pexels

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PROGRAM CHECK: Pagkilala sa mga alkalde at kanilang nagawa sa Cavite

Habang papalapit ang Halalan 2025, mahalagang muling suriin ang mga nagawa ng mga lider ng iba't ibang lungsod at munisipalidad sa Cavite. Kabilang dito ang kanilang mga kontribusyon sa imprastraktura, pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan, at pagsuporta sa sektor ng edukasyon—mga proyekto at programang nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa kaunlaran ng kanilang mga komunidad.