Paaralan sa Imus, nakilahok sa pilot implementation ng face-to-face classes

Nakilahok ang Gov. DM Camerino Integrated School sa Imus City sa national pilot implementation ng limited face-to-face classes noong Disyembre 6.

Nakilahok ang Gov. DM Camerino Integrated School sa Imus City sa national pilot implementation ng limited face-to-face classes noong Disyembre 6.

Photo courtesy by Mayor Emmanuel Maliksi

Kabilang ang nasabing paaralan sa 177 na iba pa sa buong bansa na napili ng Department of Education (DepEd) na magsagawa nito.

Magsasalitan sa dalawang batch ang mga mag-aaral na papasok sa paaralan para sa limited face-to-face classes, samantalang tuloy pa rin naman ang online at modular learning.

Ayon sa patnubay na inilabas ng DepEd, 12 na mag-aaral lamang mula sa Kindergarten at 16 naman mula Grade 1 hanggang Grade 3 ang maaaring papasukin sa paaralan.

Bumisita at nagpasalamat naman si Imus Mayor Emmanuel Maliksi sa Gov. DM Camerino Integrated School dahil isa ang paaralan sa kalahok sa pilot implementation na ito.

Photo courtesy by Mayor Emmanuel Maliksi

Ayon sa kaniya, ito ay bunga ng masinsinang kooperasyon at pagbubuklod-buklod ng paaralan maging ng DepEd Imus sa local government unit ng lungsod.

Dagdag pa niya, isa rin sa mga naging dahilan ang pagbaba ng mga aktibong kaso sa lungsod at pagsulong na rin tungo sa herd immunity.

“Ngayon ay hindi na nalalayo ang ligtas na pagbabalik natin sa ating normal na pamumuhay. Isang maligayang balik-eskwela sa ating mga mag-aaral at guro,” ani Maliksi sa kaniyang Facebook post.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…