Baby bus nahulog sa tulay sa Ternate, 31 sugatan

Pauwi na sana mula sa isang beach outing ang magkakaibigan nang biglang magdire-daritsong nahulog sa tulay sa Ternate, Cavite ang kanilang sinasakyang baby bus hapon ng Pebrero 27.

Pauwi na sana mula sa isang beach outing ang magkakaibigan nang biglang magdire-daritsong nahulog sa tulay sa Ternate, Cavite ang kanilang sinasakyang baby bus hapon ng Pebrero 27.

Ayon sa pulisya, napag-alaman na ang grupo ay mga taga Naic na nag-swimming sa Patungan Beach sa bayan ng Maragondon.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng baby bus habang pababa ito ng kalsada, dahilan ng pagkalaglag nito sa Capayas Bridge sa Brgy. Sapang II.

Sa kabilang banda, wala naman ang binawian ng buhay sa nasabing trahedya.

Sa panayam ng Manila Bulletin sa municipal disaster risk reduction management office, pito, kasama ang driver ng bus, ang nagtamo ng serious injuries, at ang iba naman ay may minor wounds, na agad namang sinugod sa mga kalapit ospital.

Samantala, hawak na ng kustodiya ang naturang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

Thumbnail photo from Cavite Connect

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Unity walk at Miting de Avance ng Team Puso at Malasakit, isinagawa sa Kawit, Cavite

Nagsagawa ng Unity Walk at Miting de Avance si mayoral candidate Armi Aguinaldo ng Team Puso at Malasakit, kasama si Congressman Jolo Revilla, sa Kawit, Cavite. Dumalo ang libo-libong Kawiteño at 22 Punong Barangay, na nagpapakita ng kanilang suporta sa tambalan. Naglabas din ng abiso ang grupo tungkol sa pansamantalang pagsasara ng kalsada para sa aktibidad.