P150-M halaga ng mga pekeng produkto sa Imus nasamsam ng Customs

Umabot sa P150 milyon ang halaga ng samu’t saring mga pekeng produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Alapan II-A Imus, Cavite.

Umabot sa P150 milyon ang halaga ng samu’t saring mga pekeng produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Alapan II-A Imus, Cavite.

Nasamsam ang mga pekeng damit, general merchandise at mga appliances nang mag-surprise inspection ang mga kawani ng ahensya.

Photo courtesy of Bureau of Customs

Ilan sa mga nakumpiska ay mga ready-to-wear brands ng Fila, Mossimo, Bench, Dickies at Levi’s na wala umanong kaukulang permit at dokumento.

Nagpaliwanag na sa mga awtoridad ang may-ari ng warehouse maging ang mga gwardyang nakabantay rito.

Sinasabi ng BOC na para umano sa mga Christmas Bazaar at street markets ang mga produkto.

Humaharap naman sa kaukulang kaso ang may-ari.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cenomar at Cenodeath certificate maari nang iview online

Inilunsad ng PSA ang online viewing service para sa birth, marriage, death, CENOMAR, at CENODEATH certificates. Kailangang mag-apply sa PSA Serbilis at magbayad sa CRS outlet (P130-P185). Viewing copy lang ang makikita online, at ang printed copy ay maaaring ipa-deliver o kunin sa pamamagitan ng DocPrint service. Inaasahang mapapabilis nito ang transaksyon ng publiko, lalo na ng mga estudyante.