Fireworks-related injuries sa CALABARZON tumaas ng 189 porsyento

Tumaas ang bilang ng mga nasugatan ngayong pagsalubong ng bagong taon kumpara noong 2022, ayon sa Department of Health (DOH).

Higit na mas mataas ng 189% ang mga kasong naitala ukol sa fireworks-related injuries sa CALABARZON kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Photo via Canva

Ayon sa ulat ng ahensya, simula Disyembre 21, 2022 hanggang Enero 1, 2023 nasa 26 na kaso na ang kabuuang naitala sa rehiyon.

Pitumpu’t pitong porsyento o karamihan sa mga naitalang kaso ay mga lalaki na edad 6 hanggang 65 taong-gulang.

Nangunguna sa listahan ng mga paputok na nakapaminsala ang kwitis na may 38 porsyento, sinundan ito ng boga na may 19 porsyento, whistle bomb na may 12 porsyento, 5-Star na may 8 porsyento, piccolo na may 8 porsyento, fountain na may 4 porsyento, at unknown firecracker na may 8 porsyento.

“Inaasahan naman na po natin ang pagtaas ng kaso ng fireworks-related injuries ngayong pagsalubong sa bagong taon matapos ang mahigit dalawang taon na mahigpit na quarantine,” ayon sa isang panayam ng ahensya kay Regional Director Ariel Valencia.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pilipinas nangunguna sa mundo sa mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV ayon sa DOH

Kinumpirma ng DOH na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng HIV sa mundo, na may 57 bagong kaso araw-araw, karamihan ay mga kabataan. Dahil dito, inirekomenda ng DOH na ideklara ang HIV bilang national public health emergency. Gayunpaman, nilinaw ng ahensiya na may available na lunas sa pamamagitan ng ART kung maaagapan, at hinihikayat ang publiko na magpasuri at magkaroon ng tamang kaalaman.