P265,000 halaga ng paputok kumpiskado sa Cavite

Humigit kumulang P265,350 halaga ng mga ilegal na ibinebentang paputok ang kinumpiska sa isinagawang Simultaneous Disposal of Illegal Firecrackers sa Imus City nitong Martes.

Humigit kumulang P265,350 halaga ng mga ilegal na ibinebentang paputok ang kinumpiska sa isinagawang Simultaneous Disposal of Illegal Firecrackers sa Imus City nitong Martes.

Nasamsam ng awtoridad ang ilang ipinagbabawal na paputok maging ang mga pyrotechnic devices noong Enero 3, 2023.

Photo courtesy of Bernard Jaudian/PTV TV

Kabilang sa mga nasabat ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng piccolo, five star, pla-pla, Super Yolanda, kwiton, at ba pang ilegal na paputok na nakasaad sa Republic Act No. 7138.

Karamihan ng mga nakumpiskang paputok ay wala umanong permit at ilegal na ibinebenta sa iba’t ibang munisipalidad sa probinsya.

Nanguna naman ang ilang kawani ng Imus Police at ng Bureau of Fire Protection sa water submersion ng mga naturang paputok upang masiguro ang kaligtasan nito bago itapon.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

3 magkakaanak, patay sa pananaksak sa Kawit

Malagim ang sinapit ng isang pamilya sa Brgy. Congbalay-Legaspi sa bayan ng Kawit kahapon, Nobyembre 28 matapos masawi ang tatlong miyembro nito dahil sa pananaksak ng isang suspek na di umano’y lulong sa ilegal na droga.