Dating kagawad na nagtatago sa Imus, arestado sa kasong malversation

Sa loob ng sampung taong paghahanap ng awtoridad, himas rehas ngayon ang dating kagawad ng barangay sa Pagadian City na nagtago sa Imus City, Cavite dahil sa umano’y pagwawaldas ng pondo ng barangay.

Sa loob ng sampung taong paghahanap ng awtoridad, himas rehas ngayon ang dating kagawad ng barangay sa Pagadian City na nagtago sa Imus City, Cavite dahil sa umano’y pagwawaldas ng pondo ng barangay.

Kinilala ang suspek na si Rogelio Carpentero, 62-anyos na kasalukuyang naglalagi sa Alapan II-A, Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division II ng Special Mayor’s Reaction Team, ang suspek ay nadakip bandang alas-8:20 ng gabi noon Mayo 2.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Dennis P. Vicoy, ng Regional Trial Court  Branch 20, Pagadian City noong 2014, naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Manila Police District.

Nahaharap sa kasong malversation of public funds through falsification of commercial documents si Carpentero at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanya.

Thumbnail photo courtesy of Петр Ткаченко / iStock

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pilipinas nangunguna sa mundo sa mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV ayon sa DOH

Kinumpirma ng DOH na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng HIV sa mundo, na may 57 bagong kaso araw-araw, karamihan ay mga kabataan. Dahil dito, inirekomenda ng DOH na ideklara ang HIV bilang national public health emergency. Gayunpaman, nilinaw ng ahensiya na may available na lunas sa pamamagitan ng ART kung maaagapan, at hinihikayat ang publiko na magpasuri at magkaroon ng tamang kaalaman.