Cavite City pier, binuksan na sa publiko

Binuksan na sa publiko ang bagong pier na tinawag na ‘Unlad Pier’ sa Cavite City.

Ibinida ni Cavite City Mayor Denver Chua ang bagong pier ng Cavite City na layuning mapaunlad ang turismo sa lungsod.

Bagong Cavite City Pier. Photo via Denver Chua/Facebook.

Ayon kay Chua, magkakaroon ng biyahe mula Cavite City hanggang Corregidor Island at Mall of Asia.

“Isang malaking hakbang ito para sa pag unlad ng turismo sa ating lungsod dahil bukod sa maganda pumasyal dito ay soon magkakaroon na rin dito ng sakayan from Cavite City to Corregidor Island at Cavite City to Mall of Asia and vice versa,” aniya.

Matapos ang opening ng pier, sinundan ito ng libreng concert ng sikat na bandang ‘Itchyworms’ sa bagong amphitheater ng lungsod.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

3 Tsino na sangkot sa droga at human trafficking nahuli sa Cavite

Naaresto sa General Trias, Cavite ang tatlong Chinese nationals sa isang joint operation ng BI at PDEA. Nahulihan ang mga suspek ng shabu at drug paraphernalia, at napag-alaman din na sila ay mga overstaying aliens. Nahaharap sila sa iba't ibang kaso, kabilang ang paglabag sa immigration laws at illegal drugs. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot sa krimen.