Marcos inatasan ang mga ahensyang gamitin ang branding na ‘Bagong Pilipinas’

Inilunsad ng pamahalaan ang bagong branding ng gobyerno na “Bagong Pilipinas.”

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang bagong branding na “Bagong Pilipinas” sa kanilang mga programa, aktibidad, at proyekto.

“Bagong Pilipinas” logo. Photo via Presidential Communications Office/Facebook.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 24, kabilang sa mga inatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno, government-owned or controlled corporations, at mga kolehiyo at state university.

“All NGAs ang instrumentalities, including GOCCs and SUCs, shall adopt the Bagong Pilipinas logo and incorporate the same in their letterheads, websites, official social media accounts, and other documents and instruments pertaining to flagship programs of the government,” batay sa naturang memorandum.

“The Bagong Pilipinas logo embodies the Marcos Administration’s vision for the country, emphasizing unity, involvement, and the bayanihan culture as the main fibers and components for its full realization,” ayon naman sa Presidential Communications Office (PCO).

Paglilinaw ng PCO, wala umanong ginastos sa nasabing logo.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

3 Tsino na sangkot sa droga at human trafficking nahuli sa Cavite

Naaresto sa General Trias, Cavite ang tatlong Chinese nationals sa isang joint operation ng BI at PDEA. Nahulihan ang mga suspek ng shabu at drug paraphernalia, at napag-alaman din na sila ay mga overstaying aliens. Nahaharap sila sa iba't ibang kaso, kabilang ang paglabag sa immigration laws at illegal drugs. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot sa krimen.