Cervical cancer screening test umarangkada sa Kawit

Bilang tulong sa mga kababaihang Kawiteño, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng isang cervical cancer screening test sa bayan.

Bilang tulong sa mga kababaihang Kawiteño, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng isang cervical cancer screening test sa bayan.

“Malubhang sakit ang cervical cancer ngunit kung maaga itong matutukoy, maaari itong maagapan at maaksyonan,” ani Mayor Angelo Aguinaldo.

Ayon pa sa alkalde, bahagi ang nasabing programa ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.

“Bahagi po ito ng tuloy-tuloy nating pagsisilbi sa kababaihan ng ating Kawit ngayong Women’s Month ngunit asahan n’yo po na buwan man ng kababaihan o hindi, hindi tayo titigil sa pagbibigay ng #RatedTripleA na serbisyo sa ating mga kababayan,” aniya.

Hinikayat naman ni Aguinaldo ang mga Kawiteño na magtungo sa mga barangay health station o dumulog sa mga barangay widwife upang makapagpalista sa naturang serbisyong-medikal.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

House OKs cityhood of Carmona

Carmona is on the verge of becoming a city after the House of Representatives on its third and final reading approved a bill to make the town one of Cavite's component cities.