Batas na magkakaloob ng P1M cash gift sa mga 101 taong gulang, aprubado na sa Kamara

Sa botong umabot sa 257, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang panukalang batas na layuning magbigay ng cash gift sa mga senior citizen na edad 80, 85, 90, 95, at 101.

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na layong magbigay ng P1 milyong cash gift sa mga Pilipinong centenarian na aabot sa edad na 101 taong gulang.

Canva

“The House of Representatives would like to honor our countrymen for their years of service to the country and for their discipline in ensuring that they live a long, healthy and fruitful life,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Bukod pa rito, layunin din ng House Bill No. 7535 na mabigyan ng cash gift na nagkakahalaga ng P25,000 ang mga senior citizen na nasa edad 80, 85, 90, at 95.

“We also want our octogenarians and nonagenarians to enjoy this benefit while they still can without having to wait until 101 years old so we also provided a cash gift for them,” dagdag pa ni Romualdez.

Ayon pa sa Kongreso, sakaling maipasa bilang batas, pangungunahan ito ng National Commission of Senior Citizens.

Dagdag pa rito, layunin din ng naturang panukalang batas na amyendahan ang Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016 na may mandatong magbibigay ng P100,000 sa mga senior citizens na aabot sa 100 taong gulang.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…