Tricycle franchise renewal libre sa Kawit ngayong 2024

Libreng franchise renewal ng tricycle, ipapatupad ngayong 2024 sa Kawit, Cavite.
Photo via Mayor Angelo G. Aguinaldo/Facebook

Libre ngayong 2024 ang franchise renewal ng tricycle sa Kawit, Cavite, ayon kay Mayor Angelo Aguinaldo.

Alinsunod ito sa Municipal Ordinance No. 28-24, Series of 2024 kung saan lahat ay libre at ang iba pang charges para sa renewal ng tricycle franchise sa buong taon.

“Para sa ating mga kababayang tricycle operator at driver, nabigyang aksyon na ng Sangguniang Bayan ang mungkahi natin na ma-waive na para sa taong ito ang tricycle franchise renewal fee,” ani Aguinaldo.

“Para naman sa ating mga kababayan na nakapag-bayad na, huwag po kayong mag-alala dahil ililipat natin next fiscal year ang regalo naming ito para sa inyo,” saad pa ng alkalde.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CvSU-Kawit Itatayo na: Mayor Aguinaldo at Cong. Jolo Revilla pinangunahan ang pagpaplano

Inanunsyo ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo ng Kawit, Cavite ang pagtatayo ng bagong kampus ng Cavite State University (CvSU) sa kanilang bayan, sa pakikipagtulungan kay Congressman Jolo Revilla. Layunin nitong magbigay ng mas abot-kayang edukasyon sa mga kabataan ng Kawit at karatig-lugar, kasabay ng planong pagtatayo ng bagong munisipyo at Tangulan Arena para sa mas maayos na serbisyong pampubliko.