Price freeze, itinakda ng DTI sa Cavite

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry ang listahan ng mga pangunahing bilihin na kabilang sa price freeze.

Nagtakda ng price freeze sa mga pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Cavite bunsod ng pagkasailalim ng lalawigan sa state of calamity dahil sa pertussis o whooping cough outbreak.

Matatandaang idineklara sa lalawigan ang state of calamity batay sa Resolution No. 3050-2024 noong Miyerkules, Marso 27 bunsod ng dumaraming kaso nito kabilang na ang CALABARZON.

Alinsunod naman ang nasabing prize freeze sa RA 7581 o ang Price Act.

Naglalaro sa P15.25 hanggang P19.58 ang presyo ng canned goods; P33.50 hanggang P53 sa condensed milk; P28.50 hanggang 44 sa evaporada; P18.50 hanggang P41 sa kape; P25 hanggang P40.50 naman sa tinapay; at P7 hanggang P8.75 sa instant noodles.

Narito pa ang detalye kaugnay sa mga itinakdang presyo ng DTI sa mga pamilihan sa Cavite:

Mga itinakdang presyo sa mga pangunahing bilihin sa Cavite. Photo via DTI Cavite/Facebook
Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Senate OKs Carmona cityhood bill

The municipality of Carmona, the richest town in the Philippines, is now a step closer to attaining its state of becoming the eighth city in the province of Cavite after the Senate approved its cityhood measure on its third and final reading.