Kapayapaan para sa mga kabataan, itinampok sa Walk for Peace ng Kawit

Pinangunahan ng Department of Education-Kawit District ang Walk for Peace bilang pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) at HWPL Peace Day noong Enero 24. Nakiisa sa aktibidad ang Team Puso at Malasakit kasama si Mayor Angelo Aguinaldo at Konsehal Armie Aguinaldo.

Pinangunahan ng Department of Education-Kawit District ang Walk for Peace bilang pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) at HWPL Peace Day noong Enero 24. Nakiisa sa aktibidad ang Team Puso at Malasakit kasama si Mayor Angelo Aguinaldo at Konsehal Armie Aguinaldo.

“Bukod sa mga peacekeeping initiative ng ating local government kasama ang mga national agencies ay layunin din nating maipaliwanag at maipakita ang halaga ng kapayapaan sa mga kabataan upang mapangalagaan din nila ito sa kanilang henerasyon,” saad ni Konsehal Aguinaldo sa kanyang Facebook post. 

Ang programa ay upang ipakita sa mga kabataan ang kahalagahan ng kapayapaan bilang bahagi ng mga peacekeeping initiative ng lokal na pamahalaan. 

Tiniyak ni Mayor Angelo na mananatiling prayoridad ang ligtas at payapang Kawit katuwang ang iba’t ibang ahensiya at organisasyon.

Sa isang mensahe ni G. Rubman Santera, ang Kawit Youth Coordinator, pinaalalahanan niya ang mga kabataan na maging aktibong kasangkot sa mga hakbangin para sa kapayapaan. Kanyang itinampok ang kahalagahan ng papel ng kabataan sa pagtutok sa mas maginhawang kinabukasan.

Photo 1-8 – Konsehala Armie Aguinaldo/Facebook

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…