NBI, sinampahan ng kaso ang apat na vloggers dahil sa pagpapakalat ng fake news

Sinampahan ng NBI ng kaso ang apat na vlogger dahil sa pagpapakalat umano ng manipulatibong video na naglalaman ng maling impormasyon, kabilang ang panawagang huwag nang magpadala ng remittance ang mga OFW. Ayon sa NBI, binago ng mga vlogger ang konteksto ng video para linlangin ang publiko.

Nahaharap sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na vlogger na umano’y responsable sa pagkakalat ng maling impormasyon na nakasisira sa tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, ang mga nasabing vlogger ay gumamit ng manipulatibong video kung saan binago ang orihinal na konteksto upang dayain ang publiko. Kabilang sa mga maling impormasyong kanilang ipinakalat ay ang panawagan sa mga overseas Filipino workers (OFW) na huwag nang magpadala ng remittance.

“Inisplice po nila ang video. Binago nila ang orihinal na konteksto nito at nilagyan ng caption na nagsasabing aarestuhin daw ang mga OFW. Ipinakalat nila ito upang hikayatin ang mga OFW na huwag nang magpadala ng remittance sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas,” paliwanag ni NBI Criminal Intelligence Division Senior Agent Raymond Macorol.

Nagbabala rin si Macorol sa publiko na ang pagpapakalat o pagbabahagi ng nasabing pekeng video ay maaaring magresulta sa pagkakasangkot sa legal na problema.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

DOH, suportado ang 30 KPH speed limit sa mga lungsod para iwas aksidente

Suportado ng DOH ang pagpapatupad ng 30 kph speed limit sa mga urban road upang mabawasan ang aksidente sa kalsada, na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino. Binanggit ni Secretary Teodoro Herbosa na epektibo ito sa ibang bansa at sa Commonwealth Avenue, at iginiit na 70% ng aksidente ay sangkot ang motorsiklo. Ang aksidente sa kalsada ay ikalima na sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.