Ano ang iba’t ibang COVID-19 variants at paano ito maiiwasan

Matapos ang isang taon, nasaan na nga ba ang Pilipinas sa pagsugpo nito sa pandemya? Itinala namin ang impormasyon ukol sa mga makabagong variant ng COVID-19 sa bansa at kung paano natin ito maiiwasan.

Usap-usapan ngayon ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa kung kaya’t makikita sa mga balita ang sunod-sunod na lockdown at pagsuspende ng mga operasyon sa mga establisyemento. Ilan lamang ito sa mga emergency response ng ating local at nasyonal na pamahalaan.

Ano nga ba ang iba’t ibang variant ng COVID-19 at ang mga hakbang upang maiwasan ang paglaganap nito?

Ang mga virus ay may kakayahan din na makapag-adapt o mutate upang umayon ang kanilang body structure sa mga pagbabago ng katawan ng tao na kanilang pinaninirahan. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng tinatawag na “variant” ang mga virus dahil may kakaiba itong kakayahan kung ikukumpara sa orihinal na COVID-19 na maalalang unang natuklasan noong 2019 sa Wuhan, China. Ayon sa Department of Health (DOH) may dalawang klase ng COVID-19 variant ang naitala sa Pilipinas – ang UK Variant (B.1.1.7) at South Africa Variant (B.1.351).

UK Variant (B.1.1.7)

Unang naitala sa UK noong Setyembre 2020, ang variant na ito ay pinaniniwalaan ng mga researchers na mas madaling kumalat. Ayon pa sa death rate na naitala sa UK, maaaring mas nakamamatay ang variant na ito kung ikukumpara sa orihinal na strain ng COVID. Ito rin ay maaaring may ‘increase risk’ ng komplikasyon ayon sa mga pag-aaral. Sa kabila nito, nangangailangan pa rin ng mas malakas na datos kahit na may ilang pag-aaral gaya ng research nina Nick Davies noon ika-15 ng Marso (Also read: Risk of mortality in patients infected with SARS-CoV-2 variant of concern 202012/1: matched cohort study) na pansamantalang nagpapatunay ng mga kakayanan ng B.1.1.7 variant.

South Africa Variant (B.1.351)

Unang naitala sa Nelson Mandela Bay, South Africa, ang variant na ito ay kagaya ng B.1.1.7. Mas mabilis rin itong kumalat at maaaring may mga vaccines ang hindi epektibo laban dito. Kinakailangan pa ng masusing pag-aaral tungkol sa naturang variant upang matuklasan ang mga kakayanan at posibleng mutation, pati na rin ang epekto ng mga vaccines laban sa variant na ito (Read: B.1.351 or 20H/501Y.V2 “South Africa” Variant)

Brazil Variant (P.1)

Maaalalang inanunsyo ng DOH noong ika-13 ng Marso na maaaring P.1 variant o Brazil variant ang na-detect sa isang OFW na umuwi galing Brazil. Ito ay kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.

“Philippine” Variant (P.3)

Ayon kay Dr. Althea de Guzman, OIC Director III, DOH Epidemiology Bureau, ang variant na ito ay unang naitala sa Pilipinas. Noong ika-18 ng Marso, tinatayang may 98 na kaso ng variant na ito sa Pilipinas kung saan 80% nito ay nagmula sa Region 7. Inaasahang magiging rason ito ng pagtaas pa ng kaso ng COVID sa bansa at pinag-aaralan rin ang magiging epekto nito sa vaccine. Kasalukuyan pa itong pinag-aaralan ng DOH at UP Philippine Genome Center kasama ang World Health Organization (Read: Study from UP PGC)


COVID-19 Safety Protocols

Inaasahan na ang mga makabagong variants ay may epekto sa paglaganap ng COVID-19 sa mundo kaya’t hinihikayat ang publiko na manatiling maingat at sumunod sa mga health protocols na pinapatupad ng lokal at nasyonal na pamahalaan gaya ng:

  1. Pagsuot ng face mask at face shield
  2. Pag hugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
  3. Social distancing at pag iwas sa mga social gatherings at mga matataong lugar
  4. Alamin ang mga tama at makabagong impormasyon
  5. Iba pang health protocol na pinapatupad ng inyong lokal na pamahalaan

Sa mga adisyunal na katanungan, maaring tumawag sa DOH COVID Hotline: (02) 894-COVID-1555.


Thumbnail Photo via Unsplash.com

Total
29
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts