AWOL na sundalo tiklo matapos mangholdap ng pawnshop sa GMA

Isang dating miyembro ng Philippine Army na nag-AWOL ang arestado matapos mangholdap ng isang pawnshop sa GMA, Cavite nitong Miyerkules, Jan. 11.

Sa kulungan ang bagsak ng isang sundalo na nag-absence without Leave (AWOL) matapos niyang holdapin ang isang sanglaan sa Brgy. San Gabriel sa General Mariano Alvarez, Cavite nitong Miyerkules, Enero 11, ng tanghali.

Kinilala ng GMA police ang suspek bilang si Michael P. Comutohan, 47 taong gulang na napag-alamang dating miyembro ng Philippine Army.

Nasapul sa kuha ng CCTV ang pagtutok ng suspek ng baril sa kahera at saka nagdeklara ng holdap.

Natangay niya ang P16,000 cash at isang cellphone mula sa sanglaan.

Photo courtesy of GMA MPS

Agad na tumakas na parang walang nangyari ang suspek matapos ang krimen habang nagtago naman sa ilalim ng lamesa ang kahera dahil sa takot.

Sa ikinasang hot pursuit operation ng pulisya matapos magsagawa ng backtracking sa kuha ng CCTV, natunton ang suspek sa bahay ng kaniyang tiyuhin sa Brgy. Olaes kung saan siya inaresto.

Photos courtesy of GMA MPS

Bukod sa ninakaw na pera at cellphone, narekober din mula sa suspek ang caliber .40 na baril na ginamit sa paghoholdap.

Nakumpiska rin umano sa suspek ang isang granada, dalawang magazine na naglalaman ng mga bala ng baril, at tatlong mga sachet ng hinihinalang shabu batay sa ulat ng pulisya.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek kabilang ang robbery, illegal possession of firearms and explosives at paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Thumbnail photo courtesy of GMA MPS

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.