Isinusulong ni 1st District Representative Jolo Revilla ang isang panukalang batas upang gawing special non-working holiday ang Araw ng Kawit kada taon tuwing unang araw ng Agosto.
Inihaing panukalang batas ni Congressman Jolo Revilla. Photos courtesy of Jolo Revilla / Facebook page.
Ayon kay Revilla, layunin rin ng House Bill 2869 na mabigyan ng panahon na maipagdiwang ng mga Kawiteño ang kanilang espesyal na araw.
Nakasaad sa panukalang batas na itinatag ang bayan ng Kawit noong Agosto 1, 1600 na kilala noong “Cavite el Viejo.”
Ayon pa rito, ang Kawit ay orihinal na binubuo ng mga bayan na kilala ngayon bilang Kawit, Noveleta, Cavite City, at Imus City. Ito ay nahati dahil sa paglago ng populasyon na kinalaunan ay kaya nang magtaguyod ng bawat isang munisipalidad at syudad.
“Ito ang aking ambag sa kasasaysayan ng Kawit dahil pinapahalagahan natin ang araw na ito ng mga Kawiteño,” pahayag ng Congressman sa kaniyang Facebook post.