Isang magnanakaw huli matapos magpuslit ng produkto sa Cavite City

Timbog ang isang magnanakaw sa Cavite City matapos mahuling nagpuslit ng mga tinitindang produkto sa isang grocery store noong Hunyo 25.

Timbog ang isang magnanakaw sa Cavite City matapos mahuling nagpuslit ng mga tinitindang produkto sa isang grocery store noong Hunyo 25.

Photo via Merwin Bermejo | The Cavite Rising

Ayon sa katiwala ng tindahan na si Noemi Unciano, tatlong beses ng bumalik ang suspek sa kanilang tindahan at sa pangatlong beses ay nahuli na ito sa akto na may tago-tagong mga produkto sa pantalon.

Kinilala ang suspek na si Renz Carl Sanico, 30-anyos na nakatira sa Barangay Salawag Dasmariñas, Cavite na sinubukan tumakas ngunit nahuli rin sa tulong ng mga nakasaksi.

Ayon kay Sanico, nagawa niya lamang ito dahil sa kaniyang anak na may sakit at bunsod sa pangangailangan sa pera.

Kulang-kulang sa tatlong-libo ang tinangkang ipuslit ng suspek.

Thumbnail via Merwin Bermejo | The Cavite Rising

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Tatay Cardong Trumpo ng Cavite, Grand winner sa PGT Season 7

Si Tatay Cardong Trumpo, isang 55-anyos na construction worker mula Dasmariñas, Cavite, ang itinanghal na Grand Winner ng Pilipinas Got Talent Season 7. Nakamit niya ang ₱2 milyon matapos makakuha ng 99.5% ng boto para sa kanyang kakaibang trumpo tricks. Naantig ang publiko sa kanyang kwento at talento, na umabot sa mahigit 22 milyong views ang kanyang audition video.