Bayan ng Ternate kinilala bilang high-performing peace and order council sa CALABARZON

Pinarangalan ang Bayan ng Ternate bilang isa sa 117 High-Performing Local Peace and Order Councils sa buong Rehiyon IV-A CALABARZON batay sa CY 2023 Peace and Order Council Performance Audit.

Pinarangalan ang Bayan ng Ternate bilang isa sa 117 High-Performing Local Peace and Order Councils sa buong Rehiyon IV-A CALABARZON batay sa CY 2023 Peace and Order Council Performance Audit. 

Ang pagkilalang ito ay iginawad dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga programa at polisiya na naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa bayan.

“Ang ganitong parangal po ay patunay na ang inyo pong Lingkod Bayan, Mayor Lamberto Bambao, ay ginagawa ang lahat upang mas mapanatili ang Kapayapaan, Kaligtasan at Maayos na Bayan ng Ternate. Ito rin po ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan, kapulisan, barangay officials, at mga mamamayan sa pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang komunidad,” ani Mayor Lamberto Bambao.

Ayon sa pamahalaang bayan, ang pagkilalang ito ay patunay ng masigasig na pamamahala ni Mayor Bambao sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan sa Ternate. Patuloy namang tiniyak ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mga epektibong programa upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng kanilang nasasakupan.

Bukod dito, hinimok ng alkalde ang lahat ng residente na makiisa at makipagtulungan upang mapanatili ang maayos at ligtas na pamayanan. 

Photo 1- Mayor Lamberto Bambao/Facebook

Total
0
Shares
Related Posts