Umukit ng kasaysayan si Pinoy Olympic gymnast Carlos Yulo matapos niyang makuha ang kanyang pangalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Nasungkit niya ang ikalawang ginto sa kategorya ng men’s artistic gymnastics vault, kung saan nagpakita siya ng “flawless performance” kung saan nakamit niya ang 15.116 puntos.
Nakuha naman ni Artur Davtyan ng Armenia ang silver medal na may 14.966 puntos, habang ang bronze ay napasakamay ni Harry Hepworth ng Great Britain na may 14.949 puntos.
Matatandaan na pinagharian ni Carlos ang men’s floor exercise final noong Agosto 4, kung saan nakakuha siya ng score na 15.000, na tinalo ang defending champion na si Artem Dolgopyat ng Israel, na may score na 14.966.
Sa tagumpay na ito ng 24-anyos na atleta, itinaas at dalawang beses inawit ang pambasang awit ng Pilipinas, ang “Lupang Hinirang.”
Si Carlos ang kauna-unahang Pinoy Olympian na nanalo ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics sa loob lamang ng isang araw.
Thumbnail photo courtesy One Sports | FB