Carmona PWD Affairs Office pinarangalan bilang Presidential Lingkod Bayan awardee

Nasungkit ng Carmona Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang parangal na Presidential Lingkod Bayan Award ng Civil Service Commission (CSC).

Itinanghal na national winner ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Carmona sa ginanap na 2022 Presidential Lingkod Bayan Award ng Civil Service Commission (CSC) noong Miyerkules, Marso 8.

Photos via Mayor Dahlia Loyola/ Facebook

Ayon kay Mayor Dahlia Loyola, nagwagi ang PDAO sa group category ng nasabing parangal.

Ipinagkakaloob ang nasabing parangal sa mga may natatangi at hindi matatawarang kontribusyon sa pagseserbisyo sa publiko.

“Ang tagumpay na ito ay para sa ating mga kababayang PWDs at patunay na ang Carmona ay isang inklusibong komunidad. Ito po ay magsisilbing inspirasyon sa atin upang ipagpatuloy ang serbisyo publiko kung saan ‘No One Should Be Left Behind,” ani Loyola.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…