VIRAL: Pasabog na kasalan sa gitna ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

Nag-viral sa social media ang larawan ng dalawang magkasintahang nagpakasal sa gitna ng pag-aalburto ng bulkang Taal noong Miyerkules ng umaga.

Nag-viral sa social media ang larawan ng dalawang magkasintahang nagpakasal sa gitna ng pag-aalburto ng bulkang Taal noong Miyerkules ng umaga.

Naging backdrop nila ang malaking usok na ibinubuga ng bulkan.

'KAPAG ANG PAG-IBIG PUMASOK SA PUSO NINUMAN, HAHAMAKIN MAGING ANG BULKANG TAAL, MASUNOD KA LAMANG' JCBA Photography "Taking your best memories"

Posted by JCBA Photography on Saturday, March 26, 2022

Idinaos ang pag-iisang-dibdib ninang nina Blessie at Alvin ganap na 6:30 nang umaga.

Photo courtesy by JCBA Photography

“During the ceremony po, kinakabahan na kami kasi sobrang kapal ng usok [ng bulkan].  kwento ni Alvin sa panayam kasama ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dagdag naman ng kaniyang kabiyak na si Blessie, tila umano nag-congrats ang Taal noong oras na sinambit nila ang “I do.”

“Noong mismong pagputok po kasi, tinawag kami ng photographer namin na five minutes daw, magpi-picture kami doon sa may Taal,” kwento pa ni Blessie.

Tuwang-tuwa sila sa kinalabasan ng mga larawan.

“Parte po ito ng kasal namin na isa sa hindi namin makakalimutan,” dagdag ni Blessie.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts