Cavite Day Expo, binuksan sa Maple Grove General Trias

Masayang ginanap ang Cavite Day Expo sa Maple Grove, General Trias, tampok ang produktong Caviteño, masasarap na pagkain, at pagtatanghal ng kultura.

Masayang ginanap ang Cavite Day Expo sa Maple Grove, General Trias, tampok ang produktong Caviteño, masasarap na pagkain, at pagtatanghal ng kultura.

Nagbigay sigla sa pagdiriwang ang makasaysayang Banda Matanda at ang makapangyarihang pagtatanghal ng Project Dance Guild. Samantala, pinahanga naman ng batikang kusinero na sina Mang Mike Valenciana at Handaan Restaurant ang mga bisita sa kanilang live cooking demonstration, kung saan ibinahagi nila ang ilan sa mga sikat na lutuing Caviteño.

Bukod sa pagkain at pagtatanghal, tampok din sa expo ang iba’t ibang lokal na negosyo na nag-aalok ng mga produktong gawa sa Cavite, mula sa handcrafted accessories at native delicacies hanggang sa de-kalidad na homegrown coffee. Mayroon ding mga interactive booths kung saan maaaring makilahok ang mga bisita sa cultural workshops at iba pang aktibidad na nagpapakita ng yaman ng sining at tradisyon ng lalawigan.

Magpapatuloy ang expo hanggang Marso 23, mula alas-5 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi sa Maple Grove Parade. Inaasahang dadagsa pa ang mas maraming bisita upang saksihan ang iba’t ibang pagtatanghal at matikman ang mga natatanging produkto ng Cavite.

Photo 1- Maple Grove Parade

Total
0
Shares
Related Posts