Cavite PNP nakapagtala ng 14 biktima ng paputok noong Bagong Taon

Nasa 14 katao sa Cavite ang naitalang nasangkot sa firecracker incident nitong pagsalubong ng Bagong Taon, ayon sa ulat ng provincial police office.

Nasa 14 katao sa Cavite ang naitalang nasangkot sa firecracker incident nitong pagsalubong ng Bagong Taon, ayon sa ulat ng provincial police office.

Sa bayan ng Rosario, naitala ang pinakamaraming biktima ng paputok na may pitong kaso, sinundan ng tatlong kaso sa Bacoor City, dalawa naman sa Gen. Mariano Alvarez (GMA), at tig-isa sa Trece Martires City at Carmona.

Sa nasabing tala nitong Disyembre 31 hanggang Enero 1, walo sa biktima ay nasa edad 19 hanggang 31, samantalang anim naman sa mga ito ay nasa edad 1 hanggang 18. Samantala, siyam sa kanila ay lalaki at lima naman ang babae.

Karamihan sa kanila ay nagtamo ng pinsala sa kanilang mga kamay at paa, na sanhi ng pagpapaputok o hindi kaya ay biktima ng kwitis.

Lahat naman ng naturang biktima ay naidala sa ospital at agad ding na-discharge maliban sa tatlong-taong gulang na bata na kailangang ilipat sa Philippine Orthopaedic para sa kanyang medication.

Sa tala naman ng Department of Health nitong Martes, nasa 262 katao na ang nagtamo ng injuries dahil sa paputok mula Disyembre 21 hanggang Enero 2. Ito ay mas mataas sa naitalang kaso noong 2021 na may 185 fireworks-related injuries.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Crpyto King naaresto sa Noveleta Cavite

Naaresto sa Noveleta, Cavite ang isang 23-anyos na lalaki na tinaguriang "Crypto King" dahil sa pagkakasangkot sa isang multi-million-peso cryptocurrency scam. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), ang suspek ay dati nang naaresto noong 2023 dahil sa kasong estafa ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.