Cong. Jolo magbibigay ng pabuya sa makakapagturo ng pumatay sa isang sibilyan sa Kawit

Handang magbigay ng P500,000 na pabuya si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla sa mga pumaslang sa isang kilalang sibilyan sa bayan ng Kawit.

Magbibigay ng P500,000 pabuya si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla para sa makakapagturo sa mga suspek sa pagpatay sa isang kakandito umano sanang konsehal sa bayan ng Kawit.

Photo via Jolo Revilla/Jholo Granados/Facebook

“Ako ay personal na magbibigay ng LIMANDAANG LIBONG PISO (P500,000) sa makakapagsabi o makakapagturo sa mga SUSPECTS ng walang awang pagpatay kay Papi,” pahayag ni Revilla.

Ayon sa mga awtoridad, binaril ng dalawang pinaghihinalaang “riding-in-tandem” ang biktima sa tahanan nito.

“Si Jholo ‘Papi’ Granados ay kilalang mabait at matulungin na kababayan sa kanyang barangay at sa bayan ng Kawit. Siya ay naka-line up na kumandidato bilang Konsehal sa paparating na Halalan 2025 sa susunod na taon sa ilalim ng ating partido sa Unang Distrito,” ayon pa kay Revilla.

“Ang ating partido at ang aming pamilya ay lubos na nakikiramay sa mga mahal sa buhay na naiwan ni Papi. Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nabibigyan ng hustisya ang kanyang pagkawala,” wika ng Congressman.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Tatay Cardong Trumpo ng Cavite, Grand winner sa PGT Season 7

Si Tatay Cardong Trumpo, isang 55-anyos na construction worker mula Dasmariñas, Cavite, ang itinanghal na Grand Winner ng Pilipinas Got Talent Season 7. Nakamit niya ang ₱2 milyon matapos makakuha ng 99.5% ng boto para sa kanyang kakaibang trumpo tricks. Naantig ang publiko sa kanyang kwento at talento, na umabot sa mahigit 22 milyong views ang kanyang audition video.