COVID-19 cases sa Cavite, 13 pang lugar sa ilalim ng Alert Level 1 bahagyang tumataas

Bahagyang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Cavite at 13 pang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III noong Lunes, Abril 19.

Bahagyang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Cavite at 13 pang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III noong Lunes, Abril 19.

Sa isang taped Cabinet meeting, hindi binanggit ni Duque ang pangalan ng mga lugar subalit inihayag niya sa kaniyang public address report ang mga naitalang kaso sa Cavite, Manila, at Quezon City mula Abril 12 hanggang 18.

Hindi umano bumaba sa 101 na kaso ang nailista sa Cavite, 92 sa Maynila at 82 sa Quezon City.

Pumalo naman sa 606 na mga bagong kaso sa NCR, na sinundan ng CALABARZON na may 226, at Central luzon na may 181. 

Samantala, nananatili pa rin sa 1.6 porsyento ang positivity rate sa bansa.

Sa hiwalay na press briefing, nilinaw naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi umano “significant” ang pagtaas ng mga kaso sa bansa.

“Nag-positive ang one-week growth rate dahil yung iba from 0 case naging dalawa o tatlo. It doesn’t mean that the increases were significant,” ani Vergeire.

Sa panayam sa TeleRadyo, nagbabala rin siya na posible umanong umabot sa kalahating milyon ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa buwan ng Mayo.

Patuloy pa rin ang panawagan ng DOH sa publiko na sundin ang mga health protocols at magpabakuna kontra COVID-19 para maiwasan ang posibleng surge ng naturang sakit.

Wala namang naitalang kaso ng recombinant Omicron XE variant sa bansa, subalit patuloy pa rin ang monitoring ng DOH sa mga sub-variants nito.

Tiniyak naman ni Private Hospitals Association of the Philippines President Dr. Jose Rene de Grano na nakahanda na ang mga ospital kung sakaling magkatotoo ang babala ng World Health Organization na posibleng papalo sa 300,000 ang COVID cases sa bansa sa Mayo.

“Nakababahala po talaga ‘yan. Kung totoong mangyayari ‘yan, ay kukulanganin tayo siyempre. Tayo, ang ating health care facilities. Although kung ang sintomas po ay very mild ay ayos naman po ‘yan. Kasi ang usually ang tinatanggap natin sa ating mga ospital ay moderate hanggang pataas, moderate, severe cases. Pero nakahanda po ang ating mga ospital,” ani De Grano sa panayam kasama ang TeleRadyo.

Thumbnail photo from CDC

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts