Dagdag-singil sa kuryente ipapatupad ng Meralco ngayong Hunyo

Magkakaroon ng dagdag-singil sa bill ng kuryente ngayong buwan ng Hunyo, ayon sa Meralco.

Magtataas ng P0.40 per kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente sa buwan ng Hunyo bunsod ng pagtaas ng generation charges, ayon sa Meralco.

Thumbnail photo courtesy Unsplash

Anila, sa mga kustomer na kumukonsumo ng 200 kwh ay magkakaroon ng dagdag na P80 sa bill ng kuryente, dagdag na P119 sa 300 kwh na konsumo, P159 para sa 400 kwh, at P199 para sa 500 kwh na kunsumo.

Paliwanag ng Meralco, tumaas ang generation charge ng P0.33 kada kwh bunsod ng pagtaas ng singil ng mga suplier at ng coal o natural gas na sumasabay sa presyo ng pandaigdigang merkado.

Dagdag pa ng Meralco, ang naturang singil ay mula sa Independent Power Producers (IPPs) at Power Supply Agreements (PSAs) na may pagtaas ng P0.6083 at P0.0859 kada kwh.

Bukod pa rito, tumaas ng 8 porsyento ang charges mula sa First Gas power plants dahil sa pagmahal ng liquid fuel mula sa Malampaya.

Tumaas din ng 23 porsyento ang presyo ng coal na isa umano sa mga dahilan sa pagtaas ng IPP at PSA.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MPOX Cases sa Davao City, lumilitaw na konektado sa HIV

Inihayag ng SPMC sa Davao City na 11 sa 14 na kaso ng Mpox sa kanilang ospital ay positibo rin sa HIV, posibleng dahil sa high-risk sexual behavior. Ipinaliwanag na ang Mpox ay naihahawa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at intimate contact. Hinihikayat ng SPMC ang agarang pagkonsulta kapag nakaranas ng sintomas. Samantala, tumaas ng 500% ang kaso ng HIV sa Pilipinas, na may 57 bagong kaso kada araw.