Mga aso at pusa bininyagan at binakunahan sa Cavite Pet Festival

Mahigit 700 aso at pusa ang bininyagan at binakunahan sa Cavite Pet Festival noong Setyembre 28, kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Assisi. Pinangunahan ang pagbabasbas at mass anti-rabies vaccination ng City Veterinary Office bilang pakikiisa sa World Rabies Day. Nagkaroon din ng parada at libreng serbisyo para sa mga pet owners at kanilang mga alaga.

Higit 700 aso at pusa ang bininyagan at binakunahan sa Cavite Pet Festival noong Setyembre 28, kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Assisi, patron saint ng mga alagang hayop.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Oliver Genuino, kura paroko ng St. Francis of Assisi Parish Church, ang pagbabasbas sa mga alaga ng daan-daang pet owners na dumalo sa selebrasyon.

Kasabay ng pagbabasbas, nagsagawa rin ang City Veterinary Office sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Gloria Digma ng mass anti-rabies vaccination bilang pakikiisa sa World Rabies Day.

“I encouraged all pet owners to be responsible fur parents. Keep your pets vaccinated, it’s free po, and don’t let your pet be stray,” ayon kay Dr. Digma.

Nagkaroon din ng parada ng mga alagang hayop na nakasuot ng makukulay na kasuotan. Nakinabang ang mga pet owners sa libreng photo booth, pet grooming, pagkain para sa aso at pusa, bitamina, at purgatives.

Namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng eco bags, mugs, at iba pang giveaways. Bukod dito, tumanggap ang mga alaga ng baptismal certificates mula sa simbahan bilang patunay ng kanilang pagbinyag.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite 4th Rep. Kiko Barzagam naghain ng impeachment complaint laban kay PBBM

Naghain si Cavite Rep. Kiko Barzaga ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa betrayal of public trust kaugnay ng mga iregularidad sa flood control projects. Layunin ng reklamo na imbestigahan ang umano’y anomalya sa paggamit ng pondo. Ito ang magiging unang impeachment complaint laban kay Marcos. Patuloy ang imbestigasyon ng Senado sa isyu, at nananawagan si Barzaga ng katarungan at pananagutan.