Dalawang teenager tinangkang dukutin sa Bacoor, Las Pinas City

Maswerteng nakatakas sa kamay ng tatlo umanong mga kidnapper ang 19-taong gulang na babae sa Bacoor City noong Mayo 23.

Maswerteng nakatakas sa kamay ng tatlo umanong mga kidnapper ang 19-taong gulang na babae sa Bacoor City noong Mayo 23.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naglalakad umano ang babae sa kahabaan ng daan sa Brgy. Bayanan nang tumigil ang Toyota Wigo.

Tinawag umano siya ng mga suspek na “Ate, ate” habang nakabukas ang pinto ng sasakyan sa likuran.

Agad namang kumaripas ng takbo ang dalagita patungong Molino Road.

Samantala, nakatakas din umano ang 15-taong gulang na babae nang tangkain itong dukutin sa harap ng isang pawnshop sa Marcos Alvarez Ave., Brgy. Talon 5 sa Las Pinas City.

Ayon sa dalagita, sapilitan umano syang hinila at pinasasakay sa sasakyang lulan ng kalalakihan sa loob.

Pinagbantaan din umano ng lalaki ang biktima na babarilin ito kung hindi siya pumasok sa loob ng sasakyan.

Agad namang nakatakas ang biktima nang magpumiglas ito. May mga drayber din sa lugar na lumapit sa naturang sasakyan, dahilan upang dali-daling lumayo ito patungo sa Moonwalk.

Nadakip naman ng Southern Police District ang suspek na si Leonard Alfaro, 33 matapos ang magkasunod na follow up operation sa lugar.

Nahaharap ang suspek sa reklamong attempted abduction pati na rin sa paglabag sa illegal possession of firearms matapos makumpiska sa kaniya ang isang slim bag na may lamang granada at .357 magnum revolver na may kargang bala.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Bacoor at Las Pinas police kung magkaugnay ang dalawang insidente. 

Thumbnail photo screengrab from CCTV footage

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…