DOH nagtala ng mahigit 7k bagong kaso ng COVID-19

Nasa 7,731 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4, ayon sa Department of Health noong Lunes.

Nasa 7,731 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4, ayon sa Department of Health noong Lunes.

Noong ika-4 ng Diyembre 2022, mayroong 595 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil…

Posted by Department of Health (Philippines) on Monday, December 5, 2022

Umabot naman sa 595 na pasyenteng nasa ospital ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa 2,430 na intensive care unit beds para sa COVID-19 patients, 534 or 22.1 percent dito ang okupado.

Samantala, 5,177 o 25.3 percent ng 20,452 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Dagdag ng ahensya, nasa 1,104 ang daily average cases sa bansa samantaang 134 naman ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit.

Ayon pa sa DOH, 73.7 milyon katao o 94.27 percent ng populasyon na ang fully vaccinated kontra COVID-19 at 20.9 milyon sa mga ito ang nakatanggap ng first boosters.

May 6.9 milyong senior citizen o 79.37 percent ng A2 target population ang nabigyan na ng kanilang primary series.

Samantala, kinumpirma ng DOH na mayroong 14 kaso ng omicron subvariant BQ.1 sa bansa. Labintatlo sa mga ito ay matatagpuan sa CALABARZON, Cordillera, Ilocos Region, Central Visayas, at Metro Manila.

Ang BQ.1 na sublineage ng BA.5 ay mas nakahahawa kumpara sa ibang subvariants ng omicron.

Thumbnail photo by Fusion Medical Animation on Unsplash

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts