SWS: 48% ng mga Pinoy umaasang bubuti ekonomiya

Lumabas sa isang survey ng Social Weather Stations na halos kalahati ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang naniniwalang gaganda ang lagay ng ekonomiya sa susunod na taon.

Halos kalahati ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang naniniwalang gaganda ang lagay ng ekonomiya sa susunod na taon.

Batay sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula December 10 hanggang 14 noong 2022, 48 porsiyento ang nagsabing umaasa sila na iigi ang takbo ng ekonomiya sa susunod na 12 buwan.

Samantala, 33 porsiyento naman ang nagsabing naniniwala sila na walang magiging pagbabago habang siyam na porsiyento ang nagsabing sasama pa ang ekonomiya.

Umabot sa +40 ang net economic optimism score ng Pilipinas na itinuturing bilang “excellent” bagaman mas mababa ito nang isang puntos kumpara sa naitala noong Oktubre.

Nanguna ang Metro Manila sa net economic optimism sa score na +47, sinundan ng Mindanao (+46), Balance Luzon, (+40), at Visayas (+27).

Isinapubliko ang resulta ng survey noong Marso 9 kasabay ng paglabas ng ulat tungkol sa 4.8% unemployment rate ng Pilipinas nitong Enero na mas mataas kumpara sa 4.3% noong Disyembre 2022.

Ibig sabihin, tinatayang nasa 2.37 milyong Pilipino ang walang trabaho sa pagpasok ng bagong taon.

READ: Philippines’ unemployment rate declines in October

Bahagyang bumaba naman ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa buwan ng Pebrero 2023 na pumalo sa 8.6% mula sa 8.7% nitong Enero.

READ: Inflation spikes to 8.7% in January 2023, highest in almost 15 years

Ito ay sa gitna pa ng paglobo ng outstanding debt ng Pilipinas sa P13.7 trilyon nitong Enero, pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng bansa.  

READ: PH gov’t debt rises to P13.7T

Nilahukan ng 1,200 adult Filipinos ang non-commissioned survey na ikinasa sa pamamagitan ng face-to-face na mga panayam. Ito ay may sampling error margins na +2.8% para sa national percentages at tig-+5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Thumbnail photo from Shutterstock

Total
0
Shares
Related Posts