Driver tiklo sa ‘bomb threat joke’ sa Kawit

Arestado ang isang driver sa Kawit, Cavite matapos niyang magbiro na may bitbit siyang bomba sa kaniyang motorsiklo noong Biyernes ng madaling-araw.

Arestado ang isang driver sa Kawit, Cavite matapos niyang magbiro na may bitbit siyang bomba sa kaniyang motorsiklo noong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Morris Cano Inanoria mula sa Adas 2, Molino 2, Bacoor.

Ayon sa ulat ng Kawit Police, pinara umano ng guwardya ng First Orient International Ventures Corp. ang drayber upang inspeksyunin ang sasakyan nito bago pumasok sa kanilang establisyemento.

Nang bubuksan na ng guwardya ang compartment ng motorsiklo, nagbiro umano ang suspek na may bitbit siyang bomba.

Agad namang humingi ng backup ang gwardya at tumawag sa pulisya. Imbis na magpaliwanag ay nagbanta pa umano ito kaya inaresto at binitbit sa presinto.

Humaharap sa kasong paglabag sa Malicious Dissemination of False Information or Willful making of any Threat Concerning Bombs, Explosive or any similar device, light threat at unjust vexation ang suspek.

Thumbnail photo by Christina Boemio on Unsplash

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PROGRAM CHECK: Pagkilala sa mga alkalde at kanilang nagawa sa Cavite

Habang papalapit ang Halalan 2025, mahalagang muling suriin ang mga nagawa ng mga lider ng iba't ibang lungsod at munisipalidad sa Cavite. Kabilang dito ang kanilang mga kontribusyon sa imprastraktura, pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan, at pagsuporta sa sektor ng edukasyon—mga proyekto at programang nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa kaunlaran ng kanilang mga komunidad.