‘Oplan Baklas’ umarangkada sa Gen. Mariano Alvarez

Nagsagawa ng ‘Oplan Baklas’ ang Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng General Mariano Alvarez ng mga campaign posters na nakapaskil sa mga poste sa ika-walong araw ng lokal na kampanyahan.

Naglibot ang COMELEC sa bayan ng General Mariano Alvarez upang tanggalin ang mga campaign materials na wala sa tamang lugar kung saan maaaring ikabit ang mga election poster o banner.

“Ang naturang operasyon ay alinsunod sa Republic Act 9006 o Fair Election Act na ipinapatupad sa pamamagitan ng Comelec Resolution No. 10730 at iba pang umiiral na Memorandum sa bayan,” ayon sa lokal na pamahalaan ng Gen. Mariano Alvarez.

Umikot ang COMELEC sa bayan ng Gen. Mariano Alavarez upang tanggalin ang mga campaign poster na nasa mga ipinagbabawal na lugar. Photo courtesy of LGU General Mariano Alvarez, Cavite’s Official Facebook page.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nauna nang nagsagawa ng pagpupulong ang COMELEC, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at ang pulisya ukol dito.

Tumulong sa pagbabaklas ang mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), General Services Office (GSO) at Traffic Management Office.

“GMAnians, sama-sama tayo sa isang mapayapa, patas at ligtas na #Eleksyon2022,” pahayag ng lokal na pamahalaan ng Gen. Mariano Alavrez sa kanilang Facebook post.

Total
11
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts