EXPLAINER: Ano nga ba ang Pertussis o Whooping Cough?

Tuluyan na ngang sumailalim sa State of Calamity ang iba’t-ibang lugar sa bansa matapos ang outbreak ng bagong sakit na Perrussis o mas kilala bilang Whooping Cough.

Ang pertusis o “Ubong Dalahit” ay lubhang nakakahawang impeksyon dulot ng bakterya na kumakalat kapag ang isang naimpeksyong tao ay umuubo o bumabahing. Ito ay nakaka apekto sa baga at daluyan ng hininga na maaring maging sanhi ng matindi at walang humpay na pagubo.

Photo via Canva

Narito ang mga sintomas na maaring maranasan ng isang tao na tinamaan ng Pertussis:

  • ubo, sipon at lagnat ngunit lumalala ang pag-ubo ng 1-2 linggo.
  • sinusundan ito ng matinit at ipit na paghinga matapos umubo.
  • pagsusuka pagkatapos umubo.
  • pangingitim o pagkulay asul, o hirap sa paghinga.

Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, maiiwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng pagbabakuna lalo na ang mga may anak na anim hanggang sampung buwang taong gulang.

Ang nasabing sakit ay isang nakakahawang bacterial respiratory infection kaya ito ay madali itong maipasa sa ibang tao sa pamamagita ng airborne droplets sa pag-ubo o pagbahing.

Dagdag pa ng kalihim na hindi agarang isasailalim sa lockdown ang buong bansa gaya ng nangyari nang kumalat ang COVID-19.

Para maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit ay takpang ng tissue ang bibig kapag uubo o babahing at makabubuti rin ang palagiang paghuhugas ng kamay.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PROGRAM CHECK: Kilatisin ang mga Kongresista sa kanilang mga nagawa sa iba’t-ibang distrito ng Cavite.

Apat na buwan bago ang Halalan 2025, mahalagang suriin ang mga nagawa ng mga kongresista mula sa iba't ibang distrito ng Cavite. Kasama rito ang mga batas na kanilang naipasa, mga proyektong pang-imprastruktura, at ang pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan na nakatulong sa pag-unlad ng kanilang mga nasasakupan.