Groundbreaking ng ikawalong SM Sa Cavite isinagawa

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang SM Supermalls noong Hunyo 14 para sa kanilang ikawalong mall sa Cavite, na matatagpuan sa isang 11-ektaryang lupain sa Barangay Pasong Camachile II, General Trias.

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang SM Supermalls noong Hunyo 14 para sa kanilang ikawalong mall sa Cavite, na matatagpuan sa isang 11-ektaryang lupain sa Barangay Pasong Camachile II, General Trias.

Inaasahang magdudulot ang nasabing mall ng maraming oportunidad sa trabaho para sa mga residente at mga karatig-bayan, na magpapalakas pa sa lumalagong ekonomiya ng rehiyon.

Pinangunahan ni SM Supermalls President Steven Tan ang seremonya kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Luis Ferrer IV.

Ang SM Supermalls sa General Trias ay inaasahang maging isa sa pinakamalaking mall sa buong Cavite at ito ang ikawalong mall sa lalawigan, kasunod ng SM City Dasmarinas, SM City Molino, SM City-Rosario, SM City Trece Martires, SM Tanza, SM Center Imus, at SM City Bacoor.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…