Halos 20 LGUs nagdeklara ng State of Calamity dahil sa mataas ng temperatura

Umabot sa halos 20 lokal na pamahalaan ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño o matinding init, ayon sa El Niño Task Force ng gobyerno noong Biyernes, Abril 5.

Umabot sa halos 20 lokal na pamahalaan ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño o matinding init, ayon sa El Niño Task Force ng gobyerno noong Biyernes, Abril 5.

Canva photo

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ang Oriental Mindoro, at ilang mga bayan sa Occidental Mindoro, Palawan, Romblon, Ifugao, Antique, at Zamboanga City.

Mas marami pang lokal na pamahalaan ang nagpaplano na sumunod dahil sa epekto ng El Niño sa kanilang mga lugar, sabi ni Joey Villarama, tagapagsalita ng task force.

Dagdag pa rito, base sa datos ng Department of Agriculture ay tinatayang pumalo na sa P2.63 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa tagtuyot na nararanasan ng bansa.

“Hindi naman mao-offset ‘yong damage na P2.63 bilyon nung P1 bilyong tulong, ngunit kahit papaano po, naibsan ang paghihirap ng mga mamamayan na apektado ng El Niño. Farmers ang apektado sa mga sakahan ngunit ang pamilya nila, in terms of individuals, ang apektado ay mga kalahating milyon, hindi lamang mga magsasaka, ang tulong ay para sa kanilang immediate family,” saad ni Villarama.

Total
0
Shares
Related Posts