Berdeng tubig sa Taal Lake sanhi ng ‘algal bloom’ – DENR

Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – CALABARZON na ang pagiging berde ng Taal Lake sa Batangas na iniuulat ng mga residente ay sanhi lamang ng ‘algal bloom.’

Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – CALABARZON na ang pagiging berde ng Taal Lake sa Batangas na iniuulat ng mga residente ay sanhi lamang ng ‘algal bloom.’

Photo Courtesy by Elvie Bathan Villalobos

Ayon sa DENR, ang algal bloom ay isang penomena na senyales lamang ng dumaraming ‘blue green algae’ sa lawa at wala umanong koneksyon sa pagputok ng bulkang Taal. 

Photo Courtesy by Department of Environment and Natural Resources – CALABARZON

Matatandaang noong Hunyo 2, nagsimulang lumitaw ang naturang penomena sa lawa na pinangambahan ng ilang residente na naninirahan malapit rito. 

Base naman sa isinagawang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A – Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station, maaari umanong resulta lamang ng matabang na tubig ang algal bloom. 

Dagdag pa rito, nasa normal na lebel pa rin umano ang konsentrasyon ng dissolved oxygen ng lawa na siyang makakatulong para maging balanse ang parametro ng tubig at maparami pa lalo ang planktons at algae na siyang natural na pagkain ng mga isda. 

Sa kabila nito, pansamantala pa ring ipinagbabawal ang mga aktibidad gaya ng paglangoy dahil maaaring magdulot ito ng iritasyon sa balat at peligro sa kalusugan. 

Sa ngayon, hinihikayat pa rin ng departamento na maging mapanuri ang mga residente at magbigay ng agarang ulat sa kinauukulan kung may mapansin o masaksihan man silang kakaibang pangyayari rito. 

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts