Honesty store ng isang guwardya patok sa Noveleta

Patok sa mga residente ang isang “honesty fruit store” sa Noveleta.

Patok sa mga residente ang isang “honesty fruit store” sa Noveleta.

Base sa pangalan nito, walang bantay ang tindahan at kusang nagbabayad ang mga mamimili.

Pagmamay-ari ito ni Rodney Pampag, 43, na kasalukuyan ding nagtratrabaho bilang isang security guard sa isang hospital sa bayan.

Photo courtesy of Sid Samaniego

Umaabot umano sa P750 ang kinikita niya sa isang araw at malaking tulong daw ito sa pang-araw-araw na gastusin ng tatlong niyang anak.

“Naniniwala ako na honest ang lahat ng tao dito, sa bawat galaw at kilos nila alam nila kung tama o mali ang kanilang ginagawa”, wika ni Pampag sa panayam kasama si Sid Samaniego.

Self-service ang estilo ng “honesty store” na ito. Maaaring kumuha ang sinuman matapos sumangguni sa pricelist na nakapaskil dito.

Ayon pa kay Pampag, kapag alam umano ng customer na medyo hindi na maayos ang produkto, pwede niya mismong babaan ang presyong ibabayad para dito.  

Bagama’t hindi nakabantay si Pampag sa kanyang tindahan, magmula umano nang magbukas siya noong Enero ay hindi pa siya nananakawan ditto ni minsan.

“[Kung sakali mang manakawan], iniisip ko prutas lang naman yan eh, kung magawa naman niya yun, siguro ay nagugutom siya,” saad pa niya sa 24 Oras.

Matatagpuan ang “honesty store” na ito sa gilid ng St. Martin Hospital at Salcedo 2 Barangay Hall, Noveleta.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite City boasts of own version of kesong puti

Pandesal is a top-tier bread that Filipinos serve in their daily breakfast table. Its rich, fluffy texture and its fresh-from-the-oven aroma can make everyone crave for it every morning especially when there is a cup of hot coffee to pair it with. The breakfast experience becomes so much better when the pandesal is eaten with quesillo, a milky white cheese that Caviteños serve with bread.