K-9 dog sa Rizal Police promoted bilang Corporal

Kinagigiliwan ngayon sa social media matapos Ma-promote bilang corporal ang isang K-9 dog na si “Tiger,” isang shih tzu-poodle mix ng Rizal Police Provincial Office.

Kinagigiliwan ngayon sa social media matapos Ma-promote bilang corporal ang isang K-9 dog na si “Tiger,” isang shih tzu-poodle mix ng Rizal Police Provincial Office.

Kasama si Tiger ng mga pulis tuwing rumeresponde sa mga operasyon. Isa siya sa 200 police personnel na ginawaran ng promosyon sa Taytay, Rizal.

“Lubos na tuwa at galak ang hinatid ni Tiger sa lahat ng na promote na personnel at pamilya na kasama at nagdagdag ng kasiyahan sa lahat ng dumalo,” ayon sa post ng Rizal Police Provincial Office. 

Ginawa ito bilang bilang pagkilala sa dedikasyon at kahanga-hangang paglilingkod ng mga tauhang nagpakita ng natatanging pagsusumikap sa pagpapatupad ng batas.

Ayon rin sa PNP ay may kabuuang 33,143 na tauhan ng pulisya sa buong bansa ang na-promote sa mas mataas na ranggo.

Photo 1-4: Rizal Provincial Police Office

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Rep. Jolo Revilla nanawagan ng agarang pagpasa ng mga panukala laban sa kawalan ng trabaho 

Nanawagan si Cavite Rep. Jolo Revilla sa Kongreso na apurahin ang mga panukalang batas para sa trabaho dahil sa 2.27 milyong unemployed Filipinos noong Hulyo. Kabilang sa kanyang isinusulong ang HB 2985, na magpapapermanente sa TUPAD Program ng DOLE, at ang HB 481 o ang Barangay Skilled Workers Registry, na lilikha ng database para sa mas mabilis na job matching.