Isinagawa sa kahabaan ng P. Burgos ang taunang Regada Water Festival ng mga tiga Cavite City ngayong araw, Hunyo 24.
Ang Regada Festival ay tradisyonal na ginaganap tuwing kapistahan ni San Juan Bautista, nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga taga-Cavite.
Isa sa mga tampok ng selebrasyon ang pinakamahabang water sprinklers sa kalsada na may habang isang libong metro, kasama ang mga firetrucks na nagbibigay ng basa sa mga dumadaan.
Mahigit sa 50,000 katao mula sa loob at labas ng Cavite ang dumalo sa selebrasyon na ito.
Kasabay ng pagbubuhos ng tubig, nagpakitang-gilas ang mga sikat na banda tulad ng December Avenue, Sponge Cola, Written by the Stars, Invictus, at Kerplunk.
Nagbigay din ng aliw ang mga kilalang rapper at influencer tulad nina Boss Toyo, Paul n Ballin, at Yuridope.
Dumalo sa selebrasyon sina 1st District Representative Jolo Revilla, Mayor Denver Chua, at Noveleta Mayor Dino Chua.