Muling naantala ang konstruksyon ng Cavite-Bataan Interlink Bridge sa 2025, ayon sa pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes, Hulyo 11.
Ayon kay DPWH Undersecretary Maria Catarina Cabral, nagkaroon ng problema sa pondo kaya muling naurong ang pagsisimula sa proyekto.
“Sourcing the funding has been really a challenge because government, the Department of Finance specifically, is trying to get the best financing packages for this biggest project of DPWH. Finally, they were able to do so and last week we just held the bidding for the first contract package of this project,” ani Cabral.
Magdudugtong ang nasabing tulay sa Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan at sa Barangay Timalan sa Naic, Cavite.
Inaasahang ang 32-kilometrong tulay ay magsisimula sa huling bahagi ng 2023 ngunit ipinagliban ngayong taon habang isinasapinal ng DPWH ang mga kasunduan sa pagpopondo katuwang ang Asian Development Bank.